Nakadapa na naman ako sa kama ko, sinusubukang magsulat ulit katulad kagabi. Gamit ang gel pen na hindi ko alam kung kanino galing, marahan kong kinagat-kagat ang dulo nito, nag-iisip pa rin ng maisusulat. Sabi ko nga kagabi, magsusulat ako ng kahit ano. Kahit binisita na ako ng sarili ko at nagprisinta na maging kritiko ng isusulat ko, tuloy lang.
Speaking of sarili ko, nandito pala siya ngayon. Nakaupo sa gilid ng kama, peering over what I'm writing now. Letting out almost inaudible chuckles whenever I stop writing. Asong 'to.
"You're really enjoying this. Ano ang tinatawa-tawa mo diyan?" tanong ko sa kanya, matalim ang tingin. Ang laki ng problema niya ano?
"Wala kasing kwenta ang sinusulat mo, kaya ako tumatawa." he answered, still with that stupid grin. "This is why I want you to stop. Sinasaktan mo lang ang ego mo. Why won't you just admit that you can't write anything sensible so that we can all move on with our lives?" God." he rolled his eyes at me. Bakit ba ang harsh niya (ko) sa sarili ko (sa kanya)?
"Simply because you're a jerk. Kung gaano kataas ang drive mo para patigilin ako sa pagsusulat ay pareho lang ng drive ko para magsulat. Para makapukaw ng damdamin ng iba, makainspire kung posible." I answered back. Of course, I question my writing skill most of the time too, but I know I can do good. Lalo pang kaharap ko ang damuhong ito. I'm waging war against myself.
"That's bullshit. Gusto mo lang may maipagmayabang para hindi ka tawaging failure. Ginago mo pa talaga ako." he let out a winning laugh. "You can still be successful in life even if you haven't written anything."
"Iba pa rin siguro kapag may naisulat ka. Yung tipong 'Hello everyone, I'm a writer and I exist'. HIndi mo ba nage-gets ang point ko?"
"Hindi naman batayan ang isang kwentong naisulat para matawag kang writer."
"Sige nga, paano mo masasabing manunulat na ang isang tao?" I asked, looking intently at him. Ayos din ang reasoning ng asong 'to. Wala din naman siyang naisulat na kahit ano.
Matagal din siyang tahimik, mukhang naghahabi pa ng kwentong maaari niyang sabihin. "When people value what you have written."
I laughed boisterously. Sinasabi ko na nga ba, kwentista lang tong mokong na 'to. "Which is the very reason why a person writes in the first place." Yehey, panalo ako sa argument na 'to!
"You're a prick. You know that, don't you?"
"You're a bigger prick than I am." I answered with a smug look on my face. "I better get back to what I'm writing."
He looked at my notebook again. "Ano nga ba talaga ang gusto mong isulat?" he asked. Oo nga, ano nga ba talaga ang gusto kong isulat?
Matagal din akong nakatulala, unsure about what to say. "How about if I write about life in general? Let's say about how a person deals with the life that he's in, and learning experiences that come with it." sagot ko, tapping my pen gently against the notebook. Okay na kaya kapag tungkol doon ang isinulat ko?
"You're aiming for the whole existential shit, huh?" he sneered, unimpressed. "Ano naman ang isusulat mo? Your dreams of being somebody? About being successful in life, pero bumagsak sa college pa lang? Na sinubukan mong magtrabaho pero wala pa ring pinatunguhan? That you're trying to make up for your mistakes by doing good now that you're studying again? Bumenta na 'yan. Masyado nang gasgas. Try again."
"Ayos naman kapag life ang central theme ah? People want to rad anecdotes about successful stories and become inspired. O pwedeng maka-motivate kasi you did a good job in facing life's troubles. They can also realize that they should consider themselves lucky because you have bigger problems to face when compared to their woes. Matutuwa sila kasi you've been through hell and back, and they too can do it." paliwanag ko, with matching hand gestures pa.
"Good point. But you forgot to include that you might go back to the same hell you've been and stay there for eternity. Huwag mong i-mislead ang magbabasa ng kwento mo na you're doing very good and no misfortunes will ever come your way after all your trials in life. Malay mo, teaser lang pala ang mga iyon, because you're in for a whole new set of suffering."
I frowned, this is getting nowhere. "Ang gusto ko lang, may mapulot din silang aral sa kwento ko, kahit papaano." Ang hirap niya (kong) paliwanagan. Kung sabagay, hindi rin ako masyadong impressed sa lumalabas sa bibig ko ngayon. Pero pwede namang magsulat ako ng ganoong tema, hindi ba?
"If you want moral lessons, might as well write a fairy tale. Or perhaps a fable. Magaling ka rin namang mag-talkshit, it's better to put it to use." sabi niya habang sinimulan niyang ayusin ang pera sa wallet ko. "What's with the graduation picture anyway? Hindi ka naman talaga naka-graduate. Nag-iilusyon ka na naman. Kung ako sa'yo, itatapon ko na lang yan."
Pati ba naman wallet ko, pinakialaman? "Gwapo ako diyan sa picture, plus reminiscent of the past yan. It reminds me of something I almost had. Utang na loob, wag mo nang usisain yan." I rolled my eyes at him too. "I can write something good about life as my theme."
"You're all talk. Show me." he said, still checking the contents of my wallet. This bastard will never be convinced, I tell you.
"Let me try looking at my journal entries last year. I might have written something there."
"That's cheating! Magsulat ka ngayon." he commanded, raising his voice.
"Saan banda ang pandaraya doon? Ako pa rin naman ang nagsulat ah, sa past nga lang. At least hindi plagiarized." depensa ko.
"Fine. Whatever floats your boat." he shrugged his shoulders and waited for me as I looked for my journal. I found it buried in piles of letters and authorization permits.
120618, 0201
Hindi na naman ako makatulog. Binabagbag na naman ako ng mga tanong. Paulit-ulit, paulit-ulit. Binabalikan na naman ako ng mga multong minsan ko nang tinakbuhan. Siguro kasi uso na ang mga zombie films kaya pilit na bumabangon ang mga ala-alang ibinaon ko na sa limot. Aminado naman akong naduwag ako noon, pero kahit na anong pilit kong maging matapang ngayon ay hindi pa rin maitatago ang karuwagang patuloy na nakabuntot sa akin. Gusto ko din sanang isulat... "Masisisi mo ba ako? Kasalanan ko ba talaga ito?" Pero naisip ko lang na pinapatunayan kong mahina ako. So, huwag na lang.
Buti pa yung mga panatiko. At least sila, may direksiyon ang buhay nila. Eh ako, kahit pagsulat, wala. Dati, masarap tawanan ang mga fans. Pero sa lagay ko ngayon, mukhang ako ang katawa-tawa.
Hindi na bago sa pandinig ko yung mga tanong na galing sa ibang tao. "Ano'ng nangyari?... Akala ko ba... Hindi ka pa ba..." at maraming version pang iba. Ngumingiti na lang ako at maghahanap ng palusot - mula sa mga tanong, maging sa sitwasyon. Hindi naman siguro dahil sa duwag ako, masyado lang marami sa utak ko.
Paulit-ulit, paulit ulit (parang yung nasa first paragraph.) ang mga tanong, tila mga aktibista sa Mendiola, o di kaya ay mga nag-eehersisyo na gustong pumayat - Nagpupumilit. Mga tanong na pilit hinahanap ang mga sagot. Kung alam ko ang isasagot dito? Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pwedeng ayoko lang talagang sagutin, para di na ko masaktan. Pero naka-stand by lang sila. Mga tanong na hindi ako pinapatulog.
O baka napasobra lang ang kinain kong fried chicken.
Tiningnan ko lang siya matapos basahin ang journal entry. "So?"
Blangko ang mukha niya, ang hirap basahin. "Seriously? That was really crappy. Was I motivated? No. Was I impressed? No. Was I touched? No." Nakakairita na talaga tong asong to. Hindi ko masakyan ang gustong ipagawa sa akin. "What do I feel towards after reading it? Absolutely nothing. Wala akong naramdaman sa sinulat mo, nothing but a bunch of implicit rants."
"Sinasabi ko sa'yo, magsulat ka ng panibago. Hindi yung puro kopya ka lang sa diary mo. Isa pa, gasgas na yang gusto mong mangyari. Wala na halos nagbabasa ng ganyan." tuloy-tuloy niyang sabi, walang preno.
"Kupal ka talaga, ano?" sagot ko, nakasimangot. True enough, it sounded more of a rant than of sharing life experiences. Tama nga siya, mahirap magsulat ng existential shit. Sige, sige. Hanap na lang ulit ng bagong topic next time.
"Hopeless case ka na, Admit it. Please, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo." sabi niya habang naiiling na lamang. Lumabas na siya ng kwarto, naiiling pa rin. "Itapon mo na yang graduation picture mo. Pseudo-graduate ka lang - nasa yearbook, may graduation photo... Pero hindi totoong graduate." dugtong niya bago isara ang pintuan.
Diyan ka nagkakamali.