Heto na naman ako, one of those sleepless nights. Kakatapos ko lang magsulat ng kung anu-anong kababawan sa planner ko, nang biglang lumala na naman ang kagustuhan kong magsulat. Kung ano ang isusulat ko? Ay, hindi ko rin alam. Ilang araw na rin siguro akong ganito, random urges to write something. The problem is, kapag nakaharap na ako sa papel o sa computer, wala pa rin akong maisulat. Paulit-ulit, paulit-ulit.
Ilang beses ko na nga bang sinubukang magsulat? High School pa lang ako, nag-aambisyon na akong maging writer. Kaya nung college, sinubukang maging mabuting mag-aaral ng Literature kaso bumagsak eh. Didn't We Almost Have It All by Whitney Houston ang drama ko tuloy ngayon. After what happened, nagpakasugapa na lang ako sa pera at nagtrabaho sa purgatoryo ng mga taong burned out sa chosen career. Sinusubukan ko pa ring magsulat, kaso mukhang nagbakasyon ata ang muse ko. Pwede rin namang escort.
To be honest, I think I still have the drive to write sensible pieces, kaso eto lang ata ang kababagsakan ko. Bahala na, kung may talent edi meron. Basta magsusulat pa rin ako.
Almost fifteen minutes na rin siguro akong nakatulala sa papel nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko pa kasi napapaayos ang lock ng pinto kaya welcome ang lahat ng nais pumasok. I was expecting it to be my mother tapos sisimulan na niya akong sermunan kasi di pa ako natutulog. Or maybe one of my brothers na maghahanap ng nawawalang charger nila. But I was wrong.
Nakatayo lang siya sa may pinto, wearing a white shirt and skull-printed boxer briefs. Chubby, at sigurado akong clueless din kung bakit naging ganun ang treatment ng mundo sa katawan nya at kung may pag-asa pa siyang pumayat. Mukhang kakatapos lang niya mag-ahit gamit ang razor na nakita niya na nakakalat sa bahay. Hindi gwapo, hindi rin naman pangit (para safe). Unruly ang brown na buhok kahit Wine Red daw ang pinangkulay niya dito. At chubby (for added emphasis). Mataman niya akong minamasdan habang nakadapa ako sa kama at nagpapaka-pseudo writer kahit walang kwenta ang sinusulat. So natural, tiningnan ko na rin lang siya.
I felt awkward. "Hello." Basag ko sa katahimikang nagpapatintero sa kwarto ko.
"Leche." Nakasimangot naman niyang tugon. Aba, gago pala 'to eh. Siya na nga itong pumasok nang walang paalam habang busy ako sa pagsusulat, siya pa ang may ganang magmaldito. "Tigilan mo na lang iyang sinusulat mo, tino-talkshit mo lang ang sarili mo. Binibiro, pinapaikot, pinapaasa. Tapos hindi rin naman matatapos." Dugtong pa niya.
Napaupo ako sa kama at napatulala, kasi may point siya at tinamaan talaga ako. Siguro kasi, kilala niya talaga ako. Kilalang-kilala.
Siguro inaantok lang ako kaya nangyayari to, but this seemed so real.
There's no doubt, the person standing by the door is the same person sitting on the bed.
I can't believe it, I'm seeing myself. As in ako talaga, in the flesh.
Shit.
"So ganito na lang ba tayo? Hindi mo ako patutuluyin?" I motioned him to sit down on of the chairs in my room. Nababaliw na ata ako. Epekto ba to ng sobrang acads, ng A for effort sa extra-curricular activities, o hindi kaya ay sa scarcity ng love life? Pucha, ano tong kagaguhang to?
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa sarili ko, lalo pa at ganitong mukhang mainit ang ulo niya. Self-talk at its best, pare.
"So..." Simula ko sana, kaso bigla niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Don't get me wrong, you know I'm not here to chat with you like this is a goddamned tea party. To tell you frankly, I'm getting tired of your shit. Tigilan mo na ang pagpapanggap na writer ka." He said blatantly. Supalpal na naman talaga ako.
He continued. "If you can't think of anything to write, then just stop. Plain and simple. Ilusyon lang ng mga mapagpanggap na manunulat ang writer's block. Excuse lang nila yan kasi wala talaga silang talent." He said while he casually ran his hand over his hair, or ran his hand casually over his hair. Basta isa diyan sa option ko ang grammatically correct. Pero ayun, mukhang tama na naman siya. Ang bobo ko na naman, basic grammar na lang yan ha?
Kaso, matigas yata talaga ang ulo ko, or mataas ang pride ko. What he said was a bitter pill to swallow, but I don't want to be defeated just yet. Kaya naman...
"I won't. I know I'll come up with the most ingenious story ever, so I'll continue writing. Screw you and your opinions." I retorted, pointing my ballpen at him.
He (I) clasped his (my) hands and leaned forward. "Very well, I shall be your critic then." he (I) responded, with a smirk plastered on his (my) face.
Hala, nakakalito.
No comments:
Post a Comment